Contents

« Prev James 1 Next »

Chapter 1

1Ako ay si Jacobo. Ako ay isang alipin ng Diyos at ng Panginoong Jesukristo. Binabati ko ang labindalawang lipi ng Israel na nakakalat sa iba`t ibang bansa. Mga Pagsubok at Tukso 2Mga kapatid ko, ituring ninyong buong kagalakan kapag dumaranas kayo ng iba`t ibang pagsubok. 3Alam ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nakagagawa ng pagtitiis. 4Hayaan ninyong tapusin ng pagtitiis ang kaniyang ganap na gawa upang kayo ay maging ganap at buo. Sa gayon, kayo ay walang anumang kakulangan. 5Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos at iyon ay ibibigay sa kaniya. Ang Diyos ay nagbibigay nang masagana sa lahat ng tao at hindi nanunumbat. 6Ngunit kapag siya ay humingi, hayaan siyang humingi na may pananampala-taya at walang pag-aalinlangan. Ang taong nag-aalinlangan ay katulad ng isang alon sa dagat na tinatangay at ipinapadpad ng hangin. 7Ang taong nag-aalinlangan ay hindi dapat mag-isip na siya ay tatanggap ng anuman mula sa Panginoon. 8Ang taong nagdadalawang-isip ay hindi matatag sa lahat ng kaniyang mga lakad. 9Hayaang magalak ang kapatid na may mababang kalagayan sa kaniyang pagkakataas. 10Magalak din naman ang mayaman sa kaniyang pagkakababa dahil tulad ng bulaklak ng damo siya ay lilipas. 11Ang araw ay sumisikat na may matinding init at ang damo ay nalalanta. Ang bulaklak ng damo ay nalalagas at ang kaakit-akit na anyo nito ay nasisira. Gayon din naman ang mayaman, siya ay lumilipas sa kaniyang mga lakad. 12Pinagpala ang taong nagtitiis ng pagsubok dahil kapag siya ay nasubok na, tatanggap siya ng putong ng buhay. Ito ang ipinangako ng Panginoon sa kanila na umiibig sa kaniya. 13Huwag sabihin ng sinumang tinutukso, na siya ay tinutukso ng Diyos. Ang Diyos ay hindi maaaring matukso ng mga kasamaan ni hindi niya tinutukso ang sinuman. 14Ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang sariling pita at nasisilo. 15Kapag ang pita ay naglihi, ito ay nanganganak ng kasalanan. Kung ang kasalanan ay malaki na, ito ay nagbubunga ng kamatayan. 16Minamahal kong mga kapatid, huwag kayong magsilihis. 17Ang bawat mabuti at ganap na kaloob ay mula sa itaas at nagbubuhat sa Ama ng mga liwanag. Siya ang Ama na walang pagbabago ni anino man ng paggalaw. 18Sa kaniyang sariling kalooban ay iniluwal niya tayo sa pamamagitan ng salita ng katotohanan. Ito ay upang tayo ay maging isang uri ng mga unang-bunga ng kaniyang mga nilikha. 19Kaya nga minamahal kong mga kapatid, ang bawat tao ay dapat maging maagap sa pakikinig. Siya ay dapat maging mahinahon sa pagsasalita at hindi madaling mapoot. 20Ang poot ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos. 21Kaya nga iwaksi ninyo ang lahat ng karumihan at labis na kasamaan. Tanggapin ninyong may kababaang loob ang salitang isinug-pong sa inyo na makapagliligtas sa inyong mga kaluluwa. 22Gawin ninyo ang salita. Huwag kayong maging tagapakinig lang ng salita na ang inyong mga sarili ang dinadaya ninyo. 23Ang sinumang tagapakinig ng salita ngunit hindi taga-pagsagawa nito ay natutulad sa isang taong minamasdan ang kaniyang likas na mukha sa salamin. 24Pagkatapos niyang masdan ang kaniyang sarili, siya ay lumisan at nalimot niya kaagad kung ano ang kaniyang anyo. 25Ngunit ang sinumang tumitingin sa ganap na kautusan ng kalayaan at nananatili rito ay hindi nakalilimot na tagapakinig sa halip siya ay taga-pagsagawa ng gawain. Ang taong ito ay pagpapalain sa kaniyang ginagawa. 26Kung ang sinuman sa inyo ay tila makadiyos na hindi pinipigil ang kaniyang dila ngunit dinadaya ang kaniyang puso, ang kaniyang pagkamakadiyos ay walang kabuluhan. 27Ang dalisay at malinis na pagkamakadiyos sa harapan ng Diyos at ng Ama ay ito: Dalawin ang mga ulila at ang mga babaing balo sa kanilang kapighatian. Ingatan ang kaniyang sarili na hindi mabahiran ng sanlibutan.

« Prev James 1 Next »
VIEWNAME is workSection